Friday, August 10, 2012

ORATIO IMPERATA FOR RESPECT OF HUMAN LIFE





ORATIO IMPERATA FOR THE RESPECT OF ALL HUMAN LIFE
(To be prayed after Communion at all Masses)
(English Version)


God, our loving Father,
Creator and lover of all life,
You fashioned in Your own image and likeness every human person.
Give us the strength and courage
to defend and protect human life from conception to natural death.

We pray for Your Divine Healing, comfort and peace 
for all affected by past abortions.
Help us serve actively in alleviating the sufferings and troubles
of all women with pregnancy problems.

We pray that all our leaders and legislators
may be guided by the grace of the Holy Spirit
to act responsibly on this critical present issue.

Mary, our loving Mother, to you we entrust the cause of life.

We make our prayer through Christ our Lord. Amen.

Our Lady of Guadalupe, pray for us.
Saint Rosa of Lima, pray for us.
Saint Lorenzo Ruiz, pray for us.


 
ORATIO IMPERATA PARA SA PAGGALANG SA BUHAY NG TAO
(Dasalin pagkatapos ng Communion sa lahat ng Misa)
 (Tagalog Version)


Ama naming mapagmahal,
Ikaw ang lumikha at nagmamahal sa lahat ng buhay.
Nilikha at hinubog Mo ang bawat tao na Iyong kawangis at kalarawan.
Pagkalooban Mo kami ng lakas at tapang
upang ipagtanggol at pangalagaan ang buhay ng tao
mula sa sinapupunan hanggang sa kusang pagpanaw nito.

Nagsusumamo kami sa Iyo para sa Iyong awa, 
lakas at kapayapaan 
sa lahat ng nasangkot sa “abortion.”
Tulutan mong maging handa kami
upang tulungan na maibsan ang kapighatian
at hirap ng mga kababaihang dumadanas
ng tindi ng suliranin sanhi ng kanilang pagdadalang-tao.

Ipinapananalangin din namin ang aming mga pinuno at mambabatas,
upang sila’y gabayan ng biyaya ng Espiritu Santo
na manindigan ayon sa pananampalataya sa Iyo
sa pagharap nila sa usaping ito.

Mahal na Birhen, aming maibiging Ina,
ipinagkatiwala namin sa Iyo ang mga mithiin namin para sa buhay.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Mahal na Birhen ng Guadalupe, ipanalangin mo kami.
Santa Rosa ng Lima, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, panalangin mo kami.